NAKATANGGAP ng P35.37B ngayong 2025 ang Department of Health (DOH).
Mas mataas ito ng P6.78B kumpara noong 2024 at ang pinakamalaki simula nang ipatupad ang kanilang health facilities enhancement program noong 2017.
Ang naturang pondo ay gagamitin naman para sa upgrading ng healthcare facilities at medical equipment sa buong bansa.
Partikular na tututukan ang pagpapatayo at pagpapalawak ng mga healthcare facility sa malalayong lugar o Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS).