P36.4-B pondo para sa pagpapatupad ng Salary Standardization Law VI, inilabas na ng DBM

P36.4-B pondo para sa pagpapatupad ng Salary Standardization Law VI, inilabas na ng DBM

GANAP nang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo na inilaan para sa pagpapatupad ng Salary Standardization Law VI (SSL VI) sa concerned agencies.

Kinumpirma ito ni DBM Secretary Amenah Pangandaman.

Nitong Setyembre 25, 2024, nasa kabuuang P36.450-B ang inilabas ng DBM sa lahat ng 308 departamento o ahensiya.

Umapela naman ang budget chief sa mga pinuno ng kani-kanilang mga kagawaran na bilisang maipatupad ang salary adjustments sa pamamagitan ng paggawa ng mga kinakailangang hakbang pasulong.

Kabilang na rito ang pagproseso at pag-isyu ng Notices of Salary Adjustment (NOSA). Nang sa gayon ay masimulan nang matanggap ng mga kawani sa gobyerno ang kanilang differential at salary increases.

Inihayag naman ng DBM na ang unang tranche ng dagdag-sahod para sa mga manggagawa ng gobyerno ay nagsimula retroactively mula noong Enero 1, 2024.

Kasunod ito ng Executive Order No.64, na inilabas noong Agosto 2, 2024.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble