P363-M, halaga ng pinsalang dulot ng shear line sa mga paaralan sa Mindanao

P363-M, halaga ng pinsalang dulot ng shear line sa mga paaralan sa Mindanao

KATUMBAS sa 363 million pesos na halaga ang dulot na pinsala ng shear line sa mga paaralan sa Mindanao.

Ayon sa report ng Department of Education (DepEd) hanggang December 30, 2022, 36 na mga paaralan sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga ang nasira.

25 dito na paaralan ay matatagpuan sa Northern Mindanao; 10 sa Caraga; at isa sa Zamboanga Peninsula.

Sinabi ng DepEd na nagkakahalaga rin ng 363 million pesos ang kinakailangan upang mai-repair ang mga nasirang paaralan.

Ikinatuwa naman ng DepEd na bagamat may nasirang paaralan ay walang naitalang mga mag-aaral na nasawi o missing dahil sa shear line.

Follow SMNI NEWS in Twitter