442 na senior citizens ang magcecelebrate ng kanilang birthday ngayong taon sa San Juan City.
Ngayong araw, sabayang ipagdiriwang ng mga nag-70, nag-80 at nag-90 years old ang kani-kanilang kaarawan na pangungunahan ng San Juan City Government.
Ayon sa San Juan LGU, bukod sa pagbigay pagkilala sa kanila ay bibigyan din sila ng cash assistance sa layon na matulungan sila sa kanilang mga pangangailangan.
Batay ito sa City Ordinance No. 81, series of 2022, o ang ‘Ordinance further extending financial benefits to senior citizens who have reached the ages of 70, 80, and 90 years of age and providing funds for the purpose’.
333 na 70-year-old senior citizens ang tatanggap ng P3,000; 90 na 80-year-old citizens ang bibigyan ng P5,000 habang 19 na 90-year-old naman ang mabibiyayaan ng P8,000.
Inaasahang may cake-blowing bilang highlight sa event ngayong araw.
Sa mga senior citizens na nais ma-enjoy ang ganitong mga benepisyo, maaari silang mag-aaply sa Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) at i-secure ang mga dokumento tulad ng senior citizen ID, proof of residency mula sa kanilang barangay, birth certificate, at alinmang valid government ID na may address sa San Juan City.