HINDI na nakapalag pa sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Caloocan City na kinabibilangan ng dalawang high-value individuals sa Block 2 Lot 20, Mentors Village Subdivision, Brgy. 175, sa nasabing lungsod.
Itinuturing na big-time source ng marijuana ang mga suspek sa kanilang area at karatig na lungsod.
Nasabat sa operasyon ang 34 marijuana bricks na may timbang na 34,000 gramo (34 kilo) nagkakahalaga ng P4,080; isang transparent plastic bag na naglalaman ng 50 gramo ng high-grade marijuana (“kush”) nagkakahalaga ng P70K; tatlong plastic bags ng pinatuyong marijuana leaves, stalks, at tops may timbang na 2,300 gramo o 2.3 kilo, nagkakahalaga ng P276K; at isang marijuana brick na may timbang na 230 grams, P27,600.
Mahigit P4.4M ang kabuuang halaga ng mga nakuhang ilegal na droga.
Kasalukuyang nakadetine sa Caloocan City Police Station Custodial Facility ang dalawang HVI na natiklo habang ang mga nasabat na high grade MJ ay nasa kostodiya ng NPD Forensic Unit para sa laboratory analysis.