P4.5 trillion 2021 National Budget, naisumite na sa Kamara

P4.5 trillion 2021 National Budget, naisumite na sa Kamara

ISINUMITE na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang P4.5 trillion national budget para sa taong 2021.

Personal na ipinasa ni Budget Secretary Wendel Avisado ang proposed budget kay Speaker Alan Peter Cayetano na nagkakahalaga ng P4.5 trillion kung saan 9.9 percent na mas mataas sa 2020 budget.

Ayon kay Avisado, ang Department of Education (DepEd) ang nanatiling may pinakamalaking budget upang matiyak ang educational continuity sa gitna ng health crisis.

Sinundan naman ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Internal and Local Government (DILG).

Sinabi ni Avisado na panukalang pondo ay nakapokus sa paggastos ng gobyerno sa pagpapabuti ng health care system sa bansa, pagtiyak sa food security, pagbuo ng maraming trabaho sa pamamagitan ng pag-invest sa labor-intensive projects, pagpapagana ng isang digital government and economy at matulungan ang mga komunidad na makabangon.

Naglaan rin aniya sa 2021 na pangpondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine at pagkakaloob ng personal protective equipments (PPE) sa DOH hospitals, laboratories, at centers.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.