NAGKAKAHALAGA ng P4.5M ang nasabat na high-grade marijuana sa Baguio City kamakailan.
Ayon sa Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG), Sabado, Disyembre 7, 2024 nang mangyari ang operasyon sa Brgy. Burnham-Legarda-Kisad, Itogon, Benguet.
Isa ang naarestong suspek at nakuha ng mga pulis mula sa kaniya ang nasa tatlong pinahaba o elongated packages na naglalaman ng tuyong dahon ng high-grade marijuana na tinatayang nasa tatlong kilo.
Ang mga drug evidence ay kasalukuyang nasa Regional Forensic Unit sa La Trinidad, Benguet.