UMABOT sa P4.6-M halaga ng mga halaman ng marijuana ang sinunog sa isinagawang joint eradication operation team (PDEA RSET), PDEA Intelligence and Investigation Section (PDEA IIS), 103rd Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB 1), 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd ISPMFC), at Sugpon Police Station, sa bulubunduking lugar ng Sugpon, Ilocos Sur.
Sa report ni PDEA RO I Regional Director, Director III Joel B Plaza kay Director General Moro Vergilio Lazo, binunot at winasak ng team ang humigit-kumulang 10,900 piraso ng fully grown na halaman ng marijuana, at 20,000 gramo ng pinatuyong tangkay ng marijuana, mula sa tatlong plantation site na may kabuuang sukat na 1,800 square metro nito lang Pebrero 27, 2024.
Ayon kay RD Plaza, ang mga halaman ng marijuana ay sinunog sa mismong lugar pagkatapos ng mga operasyon.