P40 per kilo na well-milled rice sa piling palengke sa Metro Manila, available na simula bukas

P40 per kilo na well-milled rice sa piling palengke sa Metro Manila, available na simula bukas

MAGSISIMULA na sa Huwebes, Disyembre 5 ang pagbebenta ng Department of Agriculture (DA) ng well-milled rice na nagkakahalaga ng P40 per kilo.

Magiging available nga lang ito sa ilang piling palengke at dalawang MRT/LRT train stations sa Metro Manila.

Partikular na mabibili sa Kamuning Market, Malabon Central Market, New Las Piñas City Public Market, Pasay City Public Market, Guadalupe Public Market, MRT North Avenue Station, at LRT Monumento Station ang P40 per kilo na well-milled rice.

Ang inisyatibo na ito ay sa ilalim ng kanilang Rice-for-All program.

Samantala, para sa Kadiwa ng Pangulo na nag-aalok ng well-milled rice, magiging available ito bawat Martes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble