PUMAPALO sa P40 bilyon hanggang P45 bilyon ang nawawala sa kita ng pamahalaan dahil sa technical smuggling o misdeclaration ng animal feeds.
Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Fermin Adriano na kalaunan ay pinoproseso ang animal feeds bilang cooking oil o palm oil ng ibang kompanya sa bansa.
Ayon kay Adriano, base sa proseso ay nasa 15% ang pataw na buwis sa palm oil kaya pinapasok ito bilang animal feeds upang walang buwis.
Dahil dito, nanawagan ang DA sa Department of Justice (DOJ) na bilisan ang imbestigasyon sa technical smuggling at pagpanagot sa mga nasa likod nito para mabawi ang posibleng malaking halaga na nawala sa gobyerno.
DA, hinimok ang DOJ na bilisan ang proseso sa umano’y agri product smugglers
Hinimok ng Department of Agriculture (DA) ang Department of Justice (DOJ) na bilisan ang kanilang imbestigasyon sa smuggling ng agricultural products.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano na nais ng ahensya na bilisan ang pagdinig sa mga kaso laban sa mga umano’y smugglers.
Ito ay upang maging halimbawa ang mga ito sakaling mapatunayang guilty at upang ma-discourage ang iligal na pagpasok ng mga commodities sa Pilipinas.
Sinabi rin ng DA na iniimbestigahan rin nila kung mayroong mga empleyado ng ahensya ang sangkot sa umano’y smuggling scheme.
Sa pagdinig ng Senado noong nakaraang buwan, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nakatanggap siya ng dossier na nagpangalan sa apat na umano’y smuggler ng gulay.