SIMULA ngayong araw, Oktubre 11, 2024 ay ibebenta na sa 41 Kadiwa Centers ang mga well-milled rice na nagkakahalaga ng P43 per kilo.
Bahagi ito ng rice-for-all program ng Department of Agriculture (DA).
Ang maganda ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, walang magiging limit ang pagbebenta nito sa isang consumer.
Halimbawa aniya, kung nais bibili ng isang indibidwal ng 30 kilos ay maaari itong pagbigyan. Buwan ng Agosto nang inilunsad ng DA ang kanilang rice-for-all program na layuning magbigay ng abot-kayang bigas sa mga Pilipino.