UMABOT ng P47.6-M ang nasabat na pinaghihinalaang shabu sa Zamboanga City.
Nakuha ito mula sa isang tricycle operator ng magsagawa ng buy-bust operation nitong December 20 ayon kay Zamboanga City Police Director Alexander Lorenzo.
Katumbas ang halaga sa pitong kilo ng iligal na droga.
Maliban sa iligal na droga ay nakumpiska rin mula sa suspek ang sampung bundle ng one thousand peso bills.