P48-M ayuda, inilaan ng DSWD para sa mga apektado ng shearline sa Mindanao Region

P48-M ayuda, inilaan ng DSWD para sa mga apektado ng shearline sa Mindanao Region

NAGLAAN ng mahigit P48-M (48.2) million pesos ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng kanilang DSWD humanitarian assistance para sa mga naaapektuhan ng shearline sa Mindanao Region.

Sa datos, matapos ang malakas na pag-ulan at pagbahang dulot ng shearline, nasa halos apat na raan (388) na barangay ang apektado rito.

Katumbas ito ng isang daan at limampung libo (153, 142) na pamilya o anim na raang libo (617, 546) na indibidwal sa Region 10, 11 at CARAGA.

Nasa 20 naman ang bahay na totally-damaged habang halos isang daan at limampu (142) ang partially-damaged.

Samantala, sa kasalukuyan, nakasilong ang halos apat na libo (3,765) na pamilya sa 50 evacuation centers.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter