MALAPIT na makumpleto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng P486-Million Abusag Bridge, Baggao sa lalawigan ng Cagayan.
Sa ilalim ng Build Build Build program ng Administrasyong Duterte, masayang ibinahagi ng DPWH ang nalalapit ng pagtatapos ng itinatayong Abusag Bridge sa Rehiyon 2.
Inihayag ng DPWH – Regional Office 2 na umabot na sa 90 % tapos ang konstruksyon ng P486-Million Abusag Bridge, Baggao sa probinsya ng Cagayan.
Sa ibinigay na ulat ni Regional Director Loreta M. Malaluan kay DPWH Secretary Mark A. Villar sinabi nitong mas pinapabilis pa ang konstruksyon ng Abusag Bridge.
Ayon kay Malaluan, mas pinalawak pa ng ahensya ang pagsasagawa sa konstrukyon lalo na ngayong nalalapit na ang pagtatapos nito.
Ani Malaluan, inaasahan na ang malaking proyektong ito ay ganap ng makukumpleto sa buwan ng Septyembre ngayong taon.
Napakalaking tulong umano sa publiko ang Abusag Bridge na magbibigay ng mas mabilis na transportasyon sa publiko at madaling access sa mga paaralan, ospital at pagnenegosyo na malaking epekto sa ekonomiya ng lugar.
Sakaling matapos na ang bagong na tulay ito ay magsisilbi sa 15,000 byahero araw-araw kung saan ang oras ng transportasyon sa pagitan ng Tuguegarao, Cagayan, at Baggao na may 2 at kalahating oras ay magiging isang oras at kalahati na lamang.
(BASAHIN: RTF-ELCAC, nakipag-ugnayan sa Cagayan Task Force upang palakasin ang anti- insurgency sa rehiyon)