INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P5.2 bilyon na pondo para sa 1 month requirement ng Targeted Cash Transfer (TCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa isang pahayag, sinabi ng DBM na inaprubahan ang Special Allotment Release Order noong Nobyembre 17.
Ayon sa DBM, nasa 9.8 milyon na benepisyaryo ang inaasahang makikinabang sa nasabing pondo.
Ang TCT program ay nagbibigay ng P500 kada buwan na ayuda sa loob ng 6 na buwan sa mga pamilya na lubos na apektado ng pagtaas ng mga bilihin at gasolina.
Sinabi ng DBM na una na itong naglabas ng P10.33 bilyon sa DSWD para sa 2 buwang cash transfer para sa 10 milyong household beneficiaries.