P5.2-M na marijuana bricks, nakumpiska ng PDEA sa Nueva Vizcaya

P5.2-M na marijuana bricks, nakumpiska ng PDEA sa Nueva Vizcaya

ARESTADO ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong pinaghihinalaang drug pushers sa isang buy bust operation sa Bagabag, Nueva Vizcaya nitong Pebrero 12, 2024.

Mula sa tatlo ay nakumpiska ang 44 na dried marijuana bricks na katumbas ng P5.2-M.

Maliban dito ay nakumpiska rin ang tatlong cellphones at isang Nissan escapade van.

Ayon kay PDEA-Region 2 Director Levi Ortiz, ang tatlo ay ikinokonsiderang high-value targets.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble