NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark ang nasa P5.7 milyong halaga ng shabu sa isang shipment na idineklara bilang “dress.”
Ayon sa BOC, dumating ang shipment noong Pebrero 14 mula Harare, Zimbabwe at sumailalim sa K9 sniffing at X-ray scanning procedures.
Sa physical examination, nadiskubre ang 838.6825 gramo ng shabu sa loob ng 255 na mga butones ng damit at sa side walls ng carton box.
Kumpirmado naman na shabu ang nakumpiska matapos itong isailalim sa chemical laboratory analysis ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dahil dito, nag-isyu si District Collector John Simon ng warrant of seizure and detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Sections 118 (G), 119 (D), at 1113 Par. F, I & L (3 & 4) ng R.A. No. 10863 in relation to Section 4 ng R.A. No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).