P5-M multa sa ospital, klinika na humihingi ng deposito bago manggamot, ipinanukala ni Rep. Paolo Duterte

P5-M multa sa ospital, klinika na humihingi ng deposito bago manggamot, ipinanukala ni Rep. Paolo Duterte

IPINANUKALA ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang Anti-Hospital Deposit Law para sa mga ospital at klinika na humihingi ng deposito bago sila manggamot kahit nasa emergency ang mga pasyente.

Ayon kay Duterte, babantayan ng naturang panukala ang karapatan ng mga pasyente kung saan dapat tanggapin sa kahit anong ospital at mabigyan agad ng lunas kahit wala pa itong paunang bayad.

Sa ilalim ng RA 10932, pagmumultahin ng P100,000 hanggang P300,000 o makukulong ng 6 na buwan hanggang 2 taon ang mga hospital employees o medical practitioners na mapatutunyang lalabag sa Anti-Hospital Deposit Law.

Papatawan naman ng 4 – 6 na taon at multang P500,000 – P1 milyon para sa mga directors, opisyal ng ospital o clinics na mapatutunayang lalabag sa polisiya.

Maaari ding mabigyan ng suspensyon, kanselasyon o pagbawi ng kanilang propesyonal na lisensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter