P50-K tulong pinansyal mula kay Sen. Robin Padilla para sa OFW, iginawad ng OWWA

P50-K tulong pinansyal mula kay Sen. Robin Padilla para sa OFW, iginawad ng OWWA

IGINAWAD ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang PHP 50,000.00 na tulong pinansyal mula kay Sen. Robin Padilla nang malaman niya ang sinapit ng pumanaw na anak ng OFW.

Sa tulong na rin ng OWWA Regional Welfare Office 3 Central Luzon, iginawad ni OWWA Administrator Arnell Ignacio kay OFW Margie Rivera ang nasabing halaga.

Labis na nagpapasalamat ang OFW na si Margie Rivera dahil mula sa sinapit ng kanyang anak ay patuloy na tumutulong ang OWWA sa mga pamilya nito.

Bukod sa tulong na natatanggap ng OFW mula sa OWWA ay nitong Miyerkules naman ay nagpaabot ng P50,000 tulong pinansyal si Senator Robin Padilla nang malaman niya ang sinapit ng kanyang anak.

Ayon kay OWWA Regional Welfare Office 3 ng Central Luzon Regional Director, na si Atty. Falconi Millar umuusad pa rin ang kaso laban sa pumaslang sa anak ng OFW, dahil din sa pakikipagtulungan ng pamliya ng OFW at ng OWWA.

Si Atty. Millar ang itinalaga ni OWWA Admin Ignacio bilang abogado ng pamilya Infante na magtitiyak na maikukulong ang salarin mula sa ginawang karumal-dumal na krimen.

Ang kasong rape with homicide ay isinampa noong Nobyembre 15, 2022 laban sa isang kinilalang suspek na si John Does na naninirahan din sa Barangay Atlu Bola, Mabalacat, Pampanga.

Matatandaan noong Oktubre 28, 2022 naiulat na ang 15 taong gulang, Grade 10 student na si Marjorie Joy R. Infante na anak ng OFW ay pinatay at ginahasa.

Umalis ang menor de edad  sa kanilang bahay ng alas 6:30 ng gabi ng parehong petsa  para bumili ng pagkain pero natagpuan na lang ito patay at inabandona sa kalsada ng Sapang Balen ng Mabalacat Pampanga ang biktima dakong alas  9:30 ng gabi.

Follow SMNI NEWS in Twitter