P500 buwanang ayuda para sa mga mahihirap na pamilya, tuluy-tuloy – DSWD

P500 buwanang ayuda para sa mga mahihirap na pamilya, tuluy-tuloy – DSWD

NATAPOS na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamimigay ng first tranche ng P500 buwanang ayuda para sa low income families.

Ang naturang ayuda ay inaprubahan sa ilalim ng dating administrasyong Duterte na may layong matulungan ang mamamayan mula sa impact ng mataas na presyo ng produkto ng langis at mga bilihin.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na tuluy-tuloy  ang pamamahagi ng monthly subsidy.

Nagkakahalaga ng P1000 o dalawang buwang halaga ng subsidiya ang naibahagi sa unang tranche ng naturang cash aid.

“Natapos na ho iyong first tranche kasi ang ginawa ho natin – ‘di ho ba ang sabi ni Pangulong Duterte, six months po iyan, monthly for the next six months? – ang ginawa ho namin para malaki-laki at maramdaman nang kaunti, pinagsama na ho namin iyong first at saka second month. So, tuloy ho iyan!” pahayag ni Tulfo.

Sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) program, nasa mahigit 12.4 million na household beneficiaries ang target ng pamahalaan na mabigyan ng cash assistance.

Batay sa guidelines para sa implementasyon ng naturang programa, magbibigay ang DSWD ng cash grants na nagkakahalaga ng P500 buwanang ayuda  o P3, 000 sa loob ng 6 na buwan para sa mga benepisyaryo.

Kaugnay nito, inihayag ni Tulfo na tila aprubado na rin ang pondo para sa second tranche ng naturang subsidiya at nakatakda na ring ilabas ng Department of Budget and Management (DBM).

 “And then, as of yesterday, I was informed by our Finance Management Service na mukhang aprubado na rin iyong second tranche. So, another two months na naman po yata ang iri-release ng DBM para po diyan sa TCT (Targeted Cash Transfer) na iyan na ipinangako po ng Pangulong Duterte,” ayon kay Tulfo.

BASAHIN: Senator Bato, hinikayat ang gobyerno na isama ang middle class sa ayuda

Follow SMNI News on Twitter