P500-M confidential funds ng OVP sa 2023, ipinauubaya ni VP Sara sa Kongreso

P500-M confidential funds ng OVP sa 2023, ipinauubaya ni VP Sara sa Kongreso

IPINAUUBAYA ni Vice President Sara Duterte sa ‘majority’ ng mga mambabatas sa Kongreso kung mare-retain ba ang P500 million na confidential funds ng kanyang tanggapan.

Ito ang tugon ni Davao de Oro Rep. Carmen Zamora na sponsor ng OVP budget sa plenaryo sa concern ni Albay Rep. Edcel Lagman sa confidential funds ng OVP.

Giit ni Zamora, nasa kamay na ng mayorya kung mananatili ang nasabing pondo para sa 2023.

’VP Sara defers to the majority of Congress on whether the P500-million confidential fund should be retained in the OVP’s 2023 budget,’’ saad ni Zamora.

Matatandaan na hindi nakuwestyon ang confidential funds ng OVP sa committee level ng talakayan dahil mabilis na inaprubahan ang budget doon ng opisina ni VP Sara dahil sa ‘courtesy’ ng Kongreso sa ikalawang pangulo ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter