P500-M na gross sa ticket sales mula sa MMFF 2022, naabot –MMDA

P500-M na gross sa ticket sales mula sa MMFF 2022, naabot –MMDA

NAABOT ang target na 500 million pesos gross sa ticket sales mula sa isinagawang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022.

Ito ang inilahad ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Romando Artes.

Dahil dito, sinabi ni Artes na mas nagkaroon pa sila ng inspirasyon upang gumawa pa ng magandang mga palabas sa hinaharap.

Ibinahagi na rin ni Artes, ang “Deleter”, “Family Matters”, “Labyu with an Accent”, at “Partners in Crime” ang top 4 films na tinangkilik ng karamihan sa moviegoers.

Samantala, ang 8 films na lumahok sa MMFF ay makikita pa sa mga sinehan hanggang January 13.

 

Follow SMNI News on Twitter