P51M halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City

P51M halaga ng shabu, nasabat sa Cebu City

ARESTADO ang isang lalaking suspek nang mahulihan ng P51M halaga ng shabu sa Cebu City.

Bunga ito ng ikinasang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng PNP at PDEA Region 7 sa Natalio B. Bacalso Avenue, Brgy. Maambaling, Cebu City, kanina lang alas singko ng umaga Disyembre 13, 2024.

Kinilala ang suspek na si alias Jotex, 54, walang trabaho at tinaguriang high value individual ng mga awtoridad.

Narekober naman mula sa operasyon ang pakete ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 7.5 kilo na may estimated value na P51M, buy-bust money, at iba pang non-drug items.

Agad namang dinala sa PDEA RO 7 Regional Office Laboratory para a chemical analysis at proper disposition ang mga ebidensiya.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II sa RA 9165 ang suspek.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble