P6.2-M halaga ng cocaine, nasabat ng BOC-Clark

P6.2-M halaga ng cocaine, nasabat ng BOC-Clark

NASA P6.29 milyong halaga ng cocaine ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Clark Freeport Zone, Pampanga noong Enero 24.

Ayon sa BOC-Port of Clark, nadiskubre ang 1,187.1 gramo ng cocaine na nasa loob ng rims ng 3 wheelchair casters.

Sinabi ng BOC na ang shipment na idineklarang naglalaman ng “mini/sumatic wheelchair caster” ay dumating noong Enero 13 mula sa Tanzania, East Africa.

Positibo naman na cocaine ang nakuhang iligal na droga matapos isailalim sa chemical laboratory analysis ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dahil dito, nag-isyu na ang Port of Clark ng warrant of seizure and detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165.

 

Follow SMNI News on Twitter