P6.4M cash assistance, naibigay ng DOLE sa mga manggagawang apektado ng Bagyong Pepito sa Catanduanes

P6.4M cash assistance, naibigay ng DOLE sa mga manggagawang apektado ng Bagyong Pepito sa Catanduanes

UMABOT na ng P6.4M ang naibigay na cash assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mahigit 1K (1,012) na manggagawa sa Catanduanes na apektado ng Bagyong Pepito.

Ipinamahagi ito sa pamamagitan ng TUPAD Program ng ahensiya na naglalayong magbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga indibidwal na labis na naapektuhan ng kahirapan, kawalan ng trabaho, o kalamidad at iba pa.

Sa Panganiban, Catanduanes, 48 workers ang nakatanggap kamakailan ng halos tig-6 thousand pesos (P5,925) para sa kanilang ibinigay na 15 araw na serbisyo.

Nasa 964 workers naman ang mula sa karatig bayan.

Bago matapos ang taon ay nakatakda ring mag-release ng karagdagang P47.9M na TUPAD Funds ang DOLE para suportahan ang iba pang displaced workers.

Samantala, Nobyembre 16 nang mag-landfall sa Catanduanes ang Bagyong Pepito at Nobyembre 18 nang lumabas ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble