P600M halaga ng expired frozen meat, ginagamit umano sa siomai at hotdog sa Bulacan

P600M halaga ng expired frozen meat, ginagamit umano sa siomai at hotdog sa Bulacan

TINATAYANG nasa P600M ang halaga ng nadiskubreng expired frozen meat sa Meycauayan, Bulacan na umano’y ginagamit sa paggawa ng siomai at hotdog.

Sa isinagawang operasyon, ibinunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang mga frozen meat ay nag-expire pa noong 2020 at 2021.

Itinatago umano ito ng may-ari ng frozen meat sa pamamagitan ng re-labeling upang magamit pa sa paggawa ng siomai at hotdog products.

Pinabulaanan naman ng legal representative ng kompanya ang akusasyon. Gayunpaman, maaari pa rin silang maharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7394 o mas kilala bilang Consumer Act kaugnay sa Food Security Act.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble