P666.7M, ilalaang tulong para sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong Kristine

P666.7M, ilalaang tulong para sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong Kristine

MAGLALAAN ang Philippine Crop Insurance Corp. ng P666.7M para sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo, Nobyembre 3, nasa 86K (86,066) ang kabuuang magsasaka mula sa 10 rehiyon ang apektado ng nabanggit na bagyo.

Inaasahang aabot sa P413.6M ang payout para sa palay at P167.9M para sa high-value crops dahil ang mga ito ang nakapagtamo ng malaki-laking pinsala.

Ang fisheries sector ay inaasahan ding mabibigyan ng nasa kabuuang P27.7M.

Nanalasa ang Bagyong Kristine sa bansa noong Oktubre 22 – 25, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble