MAHIGIT 6 million pesos na cash assistance at home materials na ang naipamahagi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa mga biktima ng mga bagyo sa Bicol region.
Benepisyaryo nito batay sa November 21 update ng ahensya ang halos 350 na pamilya sa Albay at Catanduanes.
Mula sa bilang, nasa 186 pamilya ang nakatanggap ng 10 thousand pesos para sa partially-damaged nila na mga kabahayan habang ang iba ay binigyan ng 30 thousand pesos para sa kanilang totally damaged na kabahayan.
Hinagupit ng bagyong Kristine ang Albay habang Catanduanes naman ang naapektuhan ng bagyong Pepito.