P733M, inaprubahang pondo ng Kamara para sa OVP

P733M, inaprubahang pondo ng Kamara para sa OVP

INAPRUBAHAN na ng Kamara ang magiging pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.

Bilang tugon na ito ng Mababang Kapulungan sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na agarang ipasa ang proposed 2025 national budget.

Iyon nga lang, mula sa mahigit P2B ay nasa P733M lang ang inilaan ng House of Representatives sa OVP.

Hindi pa naman ito ang pinal na magiging pondo ng OVP sa 2025 dahil isasalang pa ito sa bicameral committee kung saan present ang Senado at Kamara.

Samantala, ang kabuuang panukalang budget para sa 2025 ay nasa P6.4T.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble