P74M halaga ng ilegal na droga, nakumpiska sa anti-illegal drugs campaign ng PRO3 sa loob ng 1 buwan

P74M halaga ng ilegal na droga, nakumpiska sa anti-illegal drugs campaign ng PRO3 sa loob ng 1 buwan

MAHIGIT P74M halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa Gitnang Luzon mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 25 sa walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga ng Police Regional Office (PRO) 3.

Bunga anila ito ng matagumpay na operasyon kontra ipinagbabawal na gamot.

Batay sa rekord ng rehiyon, umabot sila ng 910 na operasyon kontra droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng 1,365 na indibidwal.

Nakumpiska rin ang 4,964 gramo ng shabu, 10,889 gramo ng marijuana, at 26,000 gramo ng kush, na may kabuuang halaga na aabot sa Php 74,064,534.78.

Bukod rito, nakumpiska rin ang 89 mga baril, na nagpapakita ng pagsisikap ng PRO3 na labanan hindi lamang ang droga kundi pati na rin ang mga ilegal na baril.

Ayon kay PBGen. Redrico A. Maranan, Regional Director ng PRO3.

“Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon ng ating kapulisan sa pagtaguyod ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.”

Patuloy na nagsasagawa ng mas pinaigting na operasyon ang PRO3 upang labanan ang paglaganap ng ilegal na droga at tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter