SA mismong araw ng Pasko, Disyembre 25, 2024 nang masabat ang nasa P7M halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Naval Intelligence Security Group – Central at Lapu-Lapu City Police Office sa Sitio Lower Matumbo, Brgy. Pusok, Lapu-Lapu City.
Arestado ang dalawang suspek habang nakumpiska naman ang isang kilo ng shabu.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Jesson, 30, construction worker, at ang pinsan nitong si alyas John, 26, walang trabaho, pawang mga residente ng naturang barangay.
Agad na dinala sa PDEA 7 Regional Office Laboratory ang mga ebidensiya para sa disposisyon nito.
Habang kasalukuyan nang nakakulong ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 26 ng Article II, RA 9165.