Nasabat ang tinatayang 1,350 milligrams ng liquid cocaine na nagkakahalaga ng P8,522,400-M mula sa isang Colombian national sa isang controlled delivery operation.
Sa report na natangap ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang suspek na si Santiago Francisco Amado Sopo, alyas Antonio Cordero, 32, isang Columbian national.
Ang parsela na naglalaman ng mga ilegal na sangkap ay naharang sa Port of Clark noong Hunyo 21.
Ayon sa PDEA Region 3, ang pagkatuklas ng likidong cocaine ay nag-udyok sa PDEA na maglunsad ng isang kontroladong operasyon ng paghahatid na naka-target sa consignee sa Makati City.
Narekober mula sa suspek ang isang brown box tatlong plastic bottle container bawat isa ay naglalaman ng liquid cocaine; dalawang identification card; isang cell phone.
Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Central Luzon, PDEA IS, PDEA NCR, Bureau of Customs- Port of Clark, PNP AVSEC 3, Makati SDEU at Makati CPS.
Isang non bailable offense sa ilalim ng section 4 (importation of dangerous drugs) ng Republic Act 9165 ang isasampa laban sa nadakip na suspek.