APRUBADO na ng Senate Committee on Finance ang panukalang budget ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa 2025.
Sa budget hearing, P8.5B ang inilaan para dito sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP).
Ang P5.1B dito ay para sa Office of the Secretary habang ang natitirang P3.4B ay para sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kung mapapansin, mas mababa ito kumpara sa P10.13B na budget nila noong 2024.
Sa kabilang banda, kasama sa plano ng DMW para sa susunod na taon ang pagbubukas ng panibagong offices sa mga lugar tulad ng:
- Abuja, Nigeria
- Bern, Switzerland
- Pretoria, South Africa
- Ankara, Turkey
- Oslo, Norway
- Warsaw, Poland