P8-M halaga ng pulang sibuyas at carrots, nasabat ng PCG at BOC

P8-M halaga ng pulang sibuyas at carrots, nasabat ng PCG at BOC

NASABAT ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Bureau of Customs (BOC) ang isang container van na naglalaman ng undeclared agricultural product sa Manila International Container Terminal (MICT) sa Tondo, Maynila.

Nang siyasatin ang shipment, natuklasan ang kahun-kahong pulang sibuyas at carrots na nagkakahalaga ng halos walong milyong piso o ₱7,860,300.

Nasa pangangalaga na ngayon ng BOC ang kargamento.

Nagpalabas na rin ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa naturang shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Follow SMNI News on Twitter