P89-M halaga ng shabu, nasabat ng mga awtoridad sa Las Piñas City

P89-M halaga ng shabu, nasabat ng mga awtoridad sa Las Piñas City

TIMBOG ang suspek ng 89 milyong pisong halaga ng shabu na nasabat sa isinagawang anti-illegal drug operation ng PDEA RO NCR Southern District Office, araw ng Miyerkules ganap na alas kwatro ng hapon sa Lotus St. TS Cruz Subdivision Almanza Dos Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Jolle Ann Cuer Trimonia, 25 anyos.

Nakuha mula sa suspek ang mahigit sa 13 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may katumbas na halaga ng 89.5 milyong piso.

Agad na dinala sa kostudiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laboratory Service ang nasabing ebidensiya kasama ng suspek para sumailalim sa isang drug test at agad na makasuhan sa paglabag sa Republic Act 9165.

Pinuri naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Jonnel Estomo ang mga operatiba dahil sa mabilis na aksiyon nito laban sa aktibidad at operasyon ng suspek.

Kasabay nito ang kanyang pakiusap sa mga kapulisan na itigil na nito ang pagpasok sa mga iligal na gawain upang hindi maparusahan ng batas.

 

Follow SMNI News on Twitter