INIULAT ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na aabot na sa P9.9-B ang kabuoang halaga ng nakumpiska nilang iligal na droga sa ilalim ng Marcos administration.
Ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, saklaw ng kanilang datos ang unang limang buwan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panunungkulan.
Mula July 1 hanggang November 24 rin ngayong taon ay nakagawa na sila ng 24, 159 na drug-related arrests.
Nauna nang sinabi ng Marcos administration na ipagpapatuloy nila ang drug war campaign na unang inilunsad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Binigyang-diin ng kasalukuyang administrasyon na tututok sila sa prevention at rehabilitation ng mga nasasangkot sa iligal na droga.