P90-M na bayad sa Smartmatic, hindi muna ibibigay hangga’t hindi nareresolba ang ‘breach issue’

P90-M na bayad sa Smartmatic, hindi muna ibibigay hangga’t hindi nareresolba ang ‘breach issue’

HINDI muna ibibigay ng Commission on Elections (COMELEC) ang P90-million na bayad para sa Smartmatic na isang technology provider para sa May 9 general elections hangga’t hindi pa nareresolba ang issue tungkol sa data leak.

Ito ang inihayag ni Chairman Saidamen Pangarungan.

Ang P90 million ay ang ika-tatlong bugso ng bayad ng COMELEC sa Smartmatic na nakatakda noong Marso.

Sa kasagsagan ng Senate Committee on Electoral Reforms, inihayag ni Pangarungan na kung mapatutunayan na may kasalanan ang Smartmatic, puedeng ma-terminate ang kontrata ng COMELEC sa kanila sa ilalim ng Data Privacy Act and Civil Code of the Philippines.

Dagdag pa ni Pangarungan, maaari ding makasuhan ng kriminal ang Smartmatic.

Sa ngayon, hinihintay pa ng COMELEC ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) bago mag-desisyon hinggil sa issue.

Follow SMNI NEWS in Twitter