APRUBADO na nang pamahalaan ang P95-B Pasig River Expressway project.
Matapos ang mahigit isang taon simula ng ipinanukala ang konstruksyon ng Pasig River Expressway (PAREX) ay inaprubahan na ito ngayon ng pamahalaan.
Aprubado na ng pamahalaan ang proyekto ng San Miguel Corporation ang 95 bilyong pisong halaga ng PAREX.
Ito ay matapos ang higit isang taon simula nang ipanukala ng kompanya ang elevated toll road project.
Pinirmahan na nila SMC President Ramon Ang, Transportation Secretary Artur Tugade, Public Works Secretary Mark Villar, at Toll Regulatory Board Executive Director Alvin Carullo ang supplemental toll operations agreement (STOA) para sa PAREX.
Ang PAREX ay may habang 19.37 na kilometro, six-lane elevated road, na tatakbo sa kahabaan ng Pasig river banks, mula radical road 10 sa Manila hanggang C-6 road o ang South East Metro Manila Expressway sa Taguig City.
Sinabi ng kompanya na ang proyekto ay magkakaroon ng tatlong major segments na segment 1 mula r-10 Plaza Azul, Manila; sement 2 mula Pandacan hanggang C-5, at segment 3 mula C-5 hanggang C-6.
Ayon pa sa kompanya, sasagutin nito nang buo ang 95-bilyong pisong halaga ng proyekto upang itayo ang PAREX at hindi ito gagamit ng taxpayer o pera ng pamahalaan.