DALAWANG proyekto sa kalsada na nagkakahalaga ng P97.3 milyon sa bayan ng Alamada, North Cotabato ang inaasahang magpalakas ng lokal na ekonomiya, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Katuwang ang Department of Trade and Industry, kasama sa mga proyektong ito ang Junction Dulao-Ricor-New Leon-Patag-Dado Road at Pati-Baugan-Badak-Junction Camp 10 Road.