Pa-Talk Show’ ng Sonshine Radio, kinilalang Outstanding Business Program ng NCCAA

Pa-Talk Show’ ng Sonshine Radio, kinilalang Outstanding Business Program ng NCCAA

PINARANGALAN bilang Outstanding Business Program in Radio ang programang “Pa-Talk” ng DZAR Sonshine Radio 1026 nitong Biyernes, Marso 21, sa Makati City.

Ayon kay Wilfredo Lemque Jr., Chairman ng Customer’s Choice Annual Awards, lubos na nararapat ang pagkilalang ito sa “Pa-Talk Show” dahil sa mahalagang papel nito sa pagpapakilala at pagpapalakas ng mga negosyo, partikular na ang mga micro at small enterprises (MSE) sa bansa.

“Well, “Pa-Talk” has been promoting different businesses, especially MSEs. These businesses need branding promotion, and you are one of the platforms where we showcase what they have and what products and services they offer. We don’t always see this in the mainstream,” pahayag ni Wilfredo J. Lemque Jr. Chairman, Customer’s Choice Annual Awards.

Bukod sa “Pa-Talk Show,” iba pang natatanging negosyo at organisasyon ang ginawaran ng NCCAA.

Ang National Customer’s Choice Annual Award (NCCAA) ay isang prestihiyosong pagkilala sa mga kompanyang nagbibigay ng natatanging serbisyo sa kanilang mga customer. Ang mga awardees ay pinipili batay sa kanilang kahusayan sa customer satisfaction at iba pang mahahalagang aspeto ng serbisyo.

Ayon kay Lemque, ang NCCAA Awards ay ginaganap tatlo hanggang apat na beses sa isang taon upang bigyang-pugay ang mga negosyong nagpapamalas ng kahusayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble