HINDI kinakailangang magsuot ng personal protective equipment (PPE) ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na aalis para sa kanilang pupuntahang bansa.
Ito ang nilinaw ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Kasunod anila ito sa pagluluwag ng COVID-19 protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF) gaya ng boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask sa outdoor areas.
Ibinahagi ni Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Susan Ople na may Japanese agency kamakailan na ni-rerequire ang mga paalis na Filipino seafarer na magsuot ng PPE at face mask.
May Chinese shipping vessel din na ipinag-utos sa kanilang local manning agency na pasuotin ng PPE ang mga sasakay na crew.
Ayon naman kay Sen. Pia Cayetano, diskriminasyon ito para sa parte ng mga OFW dahil walang ganitong uri ng requirement kahit sa online.
Ayon pa kay Ople, ang vaccinated na OFW laban sa COVID-19 at pagsusuot ng face mask ay sapat nang proteksyon ng OFWs.