Pabahay Program para sa public school teachers, isinusulong

Pabahay Program para sa public school teachers, isinusulong

DAPAT magkaroon ng Pabahay Program para sa public school teachers sa loob ng paaralan.

Ito ang isinusulong ng Pinuno Party-list ayon kay Rep. Howard Guintu sa panayam ng SMNI News.

Napapansin aniya na maraming mga guro ang nagsasakripisyo na bumiyahe ng malayo para lang magturo sa kanilang mga estudyante.

Kung may Pabahay Program sa kanila, isang malaking kaginhawaan na aniya ito sa mga guro.

Maliban sa mga guro ay nais din ng Pinuno Party-list na magkaroon ng pabahay para sa medical health workers at senior citizens.

Samantala, ibinahagi naman ni Guintu na sa kasalukuyan, may mahigit-kumulang na 18-K na pabahay ang National Housing Authority (NHA) na hindi pa okupado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter