Pabuya na alok ni Rep. Eric Yap para sa impormasyon kaugnay sa Dacera case, binawi na

BINAWI na ni ACT-CIS Party-List Eric Yap ang P100,000 pabuyang alok nito sa mga makakapagbigay impormasyon sa mga suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ani Yap, ito ay dahil sa pumayag nang makipagtulungan sa imbestigasyon ang mga respondents sa kaso ng pagkamatay ni Dacera.

Ngayong araw lamang nang umapila kela Yap at Senator Manny Pacquiao ang legal counsel ng apat na respondents na si Atty. Mike Santiago na bawiin ang pabuya sa pagkakahuli sa mga suspek dahil sa naapektuhan nito ang kaligtasan at seguridad ng kanyang mga kliyente.

Matatandaan na binalik ng Makati City Prosecutor’s Office sa kapulisan ang provisional charges of rape with homicide laban sa 11 persons of interest para sa mas masusing imbestigasyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.