PACC, sisilipin ang korupsiyon kaugnay sa SAP complaints

PACC, sisilipin ang korupsiyon kaugnay sa SAP complaints

HINIMOK ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang publiko na mag-ulat ng katiwalian sa pamamahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) at iba pang mga programa ng gobyerno hinggil sa pandemya.

Ito’y matapos marami ng reports at complaints sa mga LGUs na may kaugnayan sa pamamahagi ng SAP na nakarating sa kanilang tanggapan.

Sinabi ni Greco Belgica PACC Commissioner na ang mga anomalya sa pamamahagi ng SAP, na inilaan upang magbigay tulong sa mga mahihirap na pamilya na apektado ng pandemya, ay maaaring isumbong sa opisyal na email address ng PACC, pacc.complaints@gmail.com, o ang opisyal na account nito, https://facebook.com/pacc.gov.ph o sa numerong (0906) 692-7324.

Greco Belgica
Greco Belgica, PACC Comissioner

Natuklasan din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga benepisyaryo ng SAP na hindi eligible sa ayuda ay nakatanggap ng maraming tulong pinansyal mula sa iba’t ibang ahensya ng estado.

Samantala, ibinahagi rin ni Belgica ang pagtatayo ng command groups sa government agencies lalong-lalo na sa mga napabalitang may korupsiyon.

Itoy ay para may mag-monitor, mag-validate ng impormasyon at mag-report sa kung sakaling may maamoy na anumang corruption activity.

Bubuuin aniya ito ng mga abogado, sundalo, stakeholders,volunteers at certified public accountants.

Sa ngayon, kabilang sa tinututukan ang Bureau of Customs (BOC), Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Health (DOH) at Land Registration Authority (LRA).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.