PACQ, may malinaw na vision para sa maunlad na Pilipinas — Dr. Lorraine Badoy

PACQ, may malinaw na vision para sa maunlad na Pilipinas — Dr. Lorraine Badoy

BINIGYANG-DIIN ni Dr. Lorraine Badoy, Former spokesperson, NTF-ELCAC na hindi lamang ordinaryong kandidato sa darating na eleksyon si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang founder ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC), bagkus ito ay isang lider na may malinaw na plano para sa kinabukasan ng bawat Pilipino.

Sa isang panayam, inihalintulad ni Dr. Badoy ang pamamahala ni Pastor Apollo kay dating pangulong Rodrigo”Digong” Roa Duterte (PRRD) at kay Vice President Inday Sara Duterte, na kilala sa kanilang epektibo at maka-masang pamumuno.

Ayon pa kay Badoy, ang ugaling ito ng mag-amang Duterte ang dahilan kung bakit niyayakap ng mga Pilipino ang kanilang pamumuno at ito rin aniya ang mamahalin ng taumbayan kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Visionaries talaga sila, mayroon silang vision sa Pilipinas, kay PRRD kasi meron siyang vision sa Pilipinas na hindi ko makita noon kasi parang nasanay tayo na hanggang dito lang tayo e, nasanay tayo na maliit na bagay nagdidiwang na tayo pero kay PRRD bigla niyang sinabi gusto niya may subway, gusto niya free education, mayroon siyang nakikitang vision sa Pilipinas na may mga bridges, na may akala natin sa ibang bansa lang iyon hindi para sa atin pero suddenly he is there, he has this dream-all this vision na siya lang nakakakita. Ganoon din si VP meron din siyang sinasabing ganyan na gusto niya para tayong Singapore, meron talagang very aspirational, ganyan na ganyan si Pastor,” pahayag ni Badoy.

Isa sa mga pangunahing hangarin ni Pastor Apollo C. Quiboloy kung siya ay maluklok bilang Senador ay ang pagbuo ng isang nationwide transportation system na magdurugtong sa buong bansa.

Meron siyang vision na ganito yung gusto ko para sa bansa na parang pag kinekwento niya yung bullet trains from Tawi-Tawi to Batanes diba ganun, parang naiisip mo pwede ba yun? meron siyang ganun mahalagang-mahalaga kung sino yung lider na ilalagay natin diyan kasi meron siyang pangarap sa Pilipinas at meron siyang kakayanan na dalhin tayo diyan,” dagdag pa niyang paliwanag.

There mga kababayan, ang ganda-ganda niyan, yan yung bullet train na naisangguni na niya yan sa mga experts at alam nila kung paano gawin ‘yan. Naipakita naman natin andami talagang pera ng Pilipinas parang how much will this cost lang?,” aniya pa.

Hindi lamang infrastructure ang pokus ng kanyang mga plano ni Pastor Apollo. Hangarin din niya na maiangat ang kalagayan at pamumuhay ng bawat pilipino, kahit saan man sila naroroon.

Gustong-gusto ko ‘yung plano niya na pag siya ‘yung maging Senador, mag-papasa siya ng batas na yung mga Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDAs) inclusive ‘yung mga malalayong lugar mayroon siyang housing, kumpleto may bahay talaga na pwede mong dalhin ang mga bisita mo tapos andyan na mismo yung factory para mayroon silang trabaho, ‘yung mga nanay, mga tatay pagkatapos ‘yung mga anak nandyan lang ‘yung eskwelahan. Si Pastor Apollo C. Quiboloy ay isang tapat at tunay na lider na may pag-ibig at malinaw na misyon para sa bayan,” Dagdag paliwanag ni Badoy.

Aniya, napatunayan na umano ito ng butihing Pastor sa Kingdom of Jesus Christ, kung saan walang korapsyon, walang ilegal na droga, walang mga teroristang komunistang grupo, walang kriminalidad, kundi mala-first world ang pamumuhay ng mga tao; at sila’y may tunay na takot at pagmamahal sa Diyos at sa.

Naniniwala ang dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC na ito rin ang adhikain ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa buong bansang Pilipinas.

 

 Follow SMNI NEWS on Twitter