BUKAS si presidential candidate Senator Manny Pacquiao na tanggapin ang mga opisyal ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang gabinete kung mananalo.
Aniya, ito ay kung papasa ang mga ito sa kanyang screening team.
Ito ang naging pahayag ni Pacquiao matapos sabihin ni Pangulong Duterte na handa nitong ipasa sa susunod na administrasyon ang kanyang mga cabinet members.
Magugunitang, pinuri ni Duterte si Transport Secretary Arthur Tugade, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez at Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Dagdag pa ni Pacquiao, bukas siya na tanggapin si Galvez at iba pa.
Saad pa ni Pacquiao, dapat ang mga miyembro ng kanyang gabinete ay competent, dedicated at expert.
Pagdating naman sa kanyang mga presidential advisers, aniya dapat ang mga ito ay degree holders, god-fearing at may alam sa kanilang trabaho.