Pacquiao, denemanda ng Paradigm Sports Management

Pacquiao, denemanda ng Paradigm Sports Management

IDENEMANDA si dating senador at retired boxer Emmanuel “Manny” Pacquiao, ni Paradigm Sports Management (PSM) CEO Audie Attar, sa harap ng Superior Court of California dahil sa paglabag nito sa kontrata noong nakaraang taon.

Matatandaang hindi lumaban si Pacquiao sa ilalim ng tatak ng PSM sa kabila ng pagkakaroon ng pinirmahang kontrata.

Pinayuhan ni dating Ilocos Sur Governor Luis Crisologo “Chavit” Singson si Pacquiao na kailangan ayusin muna ang kanyang kaso sa PSM bago tumanggap ng anumang alok para sa isang eksibisyong laban.

Dagdag pa ni Singson, na panahon na para ayusin na ni Pacquiao ang mga taong nasaktan nito noong nakaraang taon dahil sa kanyang desisyon na hindi lumaban.

Sa ngayon ay hinihikayat ng PSM na maibalik ang $3.3 million na binayad nito kay Pacquiao para sana sa magiging laban nito noon.

Follow SMNI NEWS in Twitter