Pacquiao, gagamitin ang makukuhang pera sa exhibition match upang pondohan ang mga Pinoy na walang bahay

Pacquiao, gagamitin ang makukuhang pera sa exhibition match upang pondohan ang mga Pinoy na walang bahay

SINABI ni People’s Champ Manny Pacquiao na ang exhibition fight nito laban sa isang South Korean YouTuber na si DK Yoo ay para sa isang charity event hindi lamang sa mga biktima ng giyera sa Ukraine, kundi para pondohan ang mga pamilyang walang sariling bahay sa Pilipinas.

Nilinaw rin ng boxing legend na wala pa itong balak magbalik sa professional boxing.

Ayon kay Pacquiao, tinanggap nito ang exhibition fight upang matulungan ang mga nangangailangan at bagaman marami na siyang nasimulang Pacman Village ay hindi pa rin tapos ang mga ito.

Gusto lang aniya nitong mag-training nang maigi at masigurong nasa 100 porsiyento ang kanyang kondisyon.

Ang bawat round ng 6-round charity fight ay bubuuin lamang ng 2 minuto at napagkasunduan ng dalawang kampo na walang weight limit ang kanilang laban.

Follow SMNI NEWS in Twitter