Pacquiao, hihingi ng karagdagang security escort matapos ang Bukidnon shooting

Pacquiao, hihingi ng karagdagang security escort matapos ang Bukidnon shooting

HIHINGI ng karagdagang security escort sa  Commission on Elections (COMELEC) si presidential candidate Senador Manny Pacquiao para sa kanyang presidential campaign, dalawang linggo bago ang araw ng halalan.

Sa media briefing, sinabi ni Pacquiao na ito ay para matiyak ang kanyang kaligtasan.

Gayunpaman, nilinaw nito na walang kasalukuyang banta sa kanyang buhay.

Ginawa ng COMELEC ang alok kasunod ng insidente ng pamamaril sa pagbisita ni presidential candidate Leody de Guzman at ng kanyang kampo sa Barangay Butong, Quezon, Bukidnon Province.

Kaugnay nito, kinondena ng senador ang shooting incident kasabay ng paghimok sa publiko na maging kalmado at respetuhin ang karapatang bumoto ng bawat isa.

BASAHIN: Nangyaring shooting incident sa Bukidnon, maaga pa para sabihing election-related —PNP

Follow SMNI News on Twitter