HINDI pabor si presidential candidate at Senator Manny Pacquiao sa pagbabawal ng political dynasties.
Aniya, ito ay hindi patas para sa mga politiko na tapat sa paglilingkod.
Dagdag pa nito, ang mga tao ang pumipili sa mga lider ng bansa at ito ay hindi rin patas sa pamilya na malaki ang ginawang pagbabago sa kanilang lugar at hindi nagnanakaw.
Kaugnay nito, tumatakbo ngayon si Deputy House Speaker at Sarangani Rep. Rogelio Pacquiao sa Sarangani bilang gobernador.
Samantala, muli namang tumakbo ngayong eleksyon si OFW Family Party-list Rep. Alberto “Bobby” Pacquiao at umaasang manalo muli ng isa pang termino.
Dagdag pa ni Pacquiao, mas mainam na ipakulong ang mga kurakot na opisyal.